“I was the black sheep of the family. Bata pa lang ako, drug dependent na ako, napakadilim ng buhay ko noon, kasi broken family kami, wala akong nanay, wala akong tatay, lola lang ang nagpapalaki sa’kin.

Pagkatapos kong maaresto at ma-rehab, nakita ng pamilya ko na kahit gusto kong magbago, hindi ako makakapagbago hanggang hindi ako nailalayo sa barkada. Kaya naisipan na ilapit ako sa isang family friend upang maipasok ako sa Napocor, that was March 3, 1983. Laborer lang ako nag-umpisa, 16.25 a day ang sweldo ko. Wala pang isang buwan, naging mason ako, naging 26.18 ang sweldo.

Noong 1989, sumunod ako sa kapatid ko sa Japan, 1994, nakabalik ako at tinawagan ako ng boss ko dati na may trabaho para sa’kin.

Naging utility man ako, hanggang sa naging driver ako nung 1997. Habang nagmamaneho ako, pinag-aral ako ng boss ko sa technical school tuwing Sabado, automotive and diesel mechanic ang pinag-aralan ko kaya nag-qualify ako bilang technician.

Dahil driver ako sa Manila, aalis ako nang maaga, madilim pa, uuwi ako, madilim na rin. May pamilya na ako noon. Kaya nung nagkaroon ng project sa Palawan, nagprisinta ako na malipat dito noong 1997. Saka parang may nagbubulong sakin na, ‘Palawan ka.’

Nag-scout muna ako ng bahay. Mga ilang buwan lang, kinuha ko na pamilya ko, nangupahan na kami. At that time mag-grade 1 lang panganay ko, yung bunso kong babae 7 months lang sya.

Tumakbo ang panahon, natapos ang mga bata, nakabili ako ng kapirasong lote, nakapagpagawa ako ng bahay.

Ngayon, yung panganay kong anak nakapagtapos ng Petroleum Engineering, yung pangalawa nakatapos ng double degree, Philosophy and Education, yung pangatlo ay graduating ng Political Science. Siguro bahala na sya magpatuloy kung gusto nyang mag-law.

Hindi natin talaga kaya na tayo lang, kailangan kasama ang Diyos. Iba Sya magmahal.”

(Best of 2016)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *